Tuesday, February 17, 2009

Ang Krismas Tri



Yan po ang krismas tri sa patio nuong Pasko. May mga nakasabit na bilao na depende sa laki ng halaga na nai donate mo, ay depende sa kung gaano kataas ang pangalan mo. Mas mahal, mas mababa at kita ng mga tao ang pangalan mo. Hindi ko aam kung anong idea at ganyan ang ginawa nilang konsepto samantalang pwede nmang mag donate at maglagay ng krismas tri na pwedeng sabitan ng mga bola depende sa donation ay ganuon karami ang bolang pwede mong ilagay o kaya ay color ng bola at hindi iyong parang kailngan pang ilagay ang pangalan para makita ng lahat ng tao. What for? Hindi sa pakikialam, pero tayo, ano ba ang tunay na dahilan kung bakit ang isang tao ay nag do date sa simbahan? Para makatulong, o para malaman ng lahat ng tao na nagbigay ka? Nasaan ba ang tunay na diwa ng pagbibigay ? Nasa hangarin na makatulong, o sa hangarin na makilala at ma recognize na nakatulong ka? Napag-uusapan lamang po.....

Istasyon



Ito po ang patio natin at ang mga istasyon ng krus na balak ipalagay ni Fr. Bembol rito. Ito po ay tinututulan ng marami dahil sa aspeto ng usapin sa "preservation" ng mga lumang simbahan na daang taon na, sa budget na sobrang mahal dahil nagkakahalaga ng at least 36 thousand ang isa (considering na ngayon ay krisis sa buong mundo) Ang aking ipinagtataka ay bakit hindi man lamang ito naisangguni ni Fr. sa taong bayan. May nakaalam man ay sila-sila lang rin na nasa simbahan. I blieve na kahit anong bagay kung saan ang buong taong bayan ang concerned, ay kailangang ikonsulta muna sa mga mamamayan bago gawin dahil ito ay bilang pagbibigay ng respeto sa mga mamamayan ng Morong at pagtanaw ng kahalagahan ng bawat isa sa ano mang pang lahatan usapin. Fr., wag po nating ipagwalang bahala ang nararamdaman ng nakararami at ang kanilang opinyon. Napag=uusapan lamang po...http://balitang-morong.blogspot.com/

Wednesday, October 17, 2007

MAYOR





MAYOR, magmula sa ginagawang "Save More" hanggang sa tambak ng basura ay kitang kita na mas inuna mo ang pansarili mong kapakanan bago ang kapakanan ng iyong mga kababayan. Nasaan na ba ang hiya mo at ginawa mo ito sa aming mga kababayan mo? Ayos na sanang ginawa mo iyan para kumita ang bayan pero mukhang mas kumita ka yata ah. Ikaw kaya ang tumira sa malapit sa basurahan kung tumagal ka kahit sampung minuto lamang at kung makakahinga ka pa. Hindi ka ba naaawa sa mga kababayan nating nakatira ruon at hindi mo ba naisip na sa bawat minuto na naruon sila ay hindi sila halos makahinga at malamang sa maaari pa silang magkasakit nang dahil sa baho ng basura? Magmula sa basurahan ay tinatangay ng hangin ang amoy sa buong kabayanan at naatim mo bang ganyan ang naaamoy namin sa araw-araw? Bagkus na maging maganda ang aming pag-uwi sa aming mga tahanan at maging mahimbing ang aming pagtulog ay masangsang na amoy ang aming kasama sa magramag! Maging ang itinatayong "Save More" ay ni hindi mo inisip ang kapakanan ng mga taong nakatira sa palibot nyan para pinsalain mo ng ganuon na lamang. Anung klaseng pamumuno mayruon ka? Pwede mo namang naitayo iyan sa ibang lugar at kahit sa paglabas pa ay talaga namang rarayuhin iyan para pamilihan. Nariyang nagkalat iyan ng sangkaterbang putik at ulanin at arawin ay alikabok naman ang ipinalanghap sa amin pero nariyan ka ba para makialam at proteksyunan kami? Ngayon naman ay nagtatayo ng landfill sa Bombongan at kikita ka na naman riyan samantalang isinasantabi mo ang hinaing ng mga taong malapit sa lugar na iyan. Gusto kong maniwala tuloy na hindi ka naman talaga gustong iboto ng mga tao pero alin sa nabayaran o nagkaroon ng rayaan. Ilang taon ka pang nakaluklok at ilang taon mo pang pepestehin ang aming mga buhay?
Kung mayruon akong natutunan sa aking paglaki ay iyon ang lagi nang isa alang-alang ang kapakanan ng ibang tao. Ang ilagay ang aking sarili sa kanilang katayuan para sa ganuon ay higit kong maintindihan ang kanilang nararamdaman. Maaaring hindi ako sikat na kagaya mo at hindi rin edukadong katulad mo pero alam kong pulsuhan at pakiramdaman ang hinaing ng ibang tao. Sana nang inisip mong tumakbo sa pagka Mayor ay pinag-aralan mo rin iyan para hindi mo na inulit pa ulit ang mga ginawa mo nung simula ka pa lamang na namuno. Ang Morong at mga taong naninirahan rito ay hindi katulad ng mga babaeng pwedeng pagpalit-palitin, pabayaan at muling balikan kung kailan mo gustuhin. Nang ikaw ay magdesisyon na kumandidato ay alam mo kung ano ang pinasok mo kaya may tungkulin ka sa bawa't tao sa Morong at bawa't isa sa amin ay pananagutan mo. Huwag mo naman sana kaming itulad sa mga babae mo na gagamitin mo kung kailan mo kailngan at pagkatapos ay pababayaan na lamang. Huwag mong biguin ang mga taong bumoto at umaasa sa iyo.
Sa karsada pa lamang ay sira ka na sa akin. Napakarami mong mga traffic aides na laging handang manghuli ng mga jeepney drivers na bumabyahe pero sariling mga magtatraysikel na matitigas ang ulo ay hindi mo masuwito. Saksakan sa rami ng magtatrapik pero sa gabi naman ay ni isang magnanakaw ay walang mahuli! Magaling lamang silang magbahay-bahay at mamasko pero para magbantay sa kapakanan ng mga tao ay wala namang pakialam. Tanraan mo sanang bago mo maayos ang anu mang sangay ng iyong pinamumunuan ay kailangang sa iyo magsimula ang pagbabago at hanggat ikaw mismo ay bulok ay hawa rin lamang sila s aiyo na bulok rin.

Monday, August 13, 2007

Alikabok sa kanto




Sa mga usap-usapan na aking naririnig, ano ba ang inyong opinyon tungkol sa eksenang ito... sa ganang akin po ay ganito lamang: hindi natin maiiwasan ang patuloy na pag-unlad at mabilis na pagsulong. Ang pagtatayo ng "Save More" ay isa lamang sa mga ito, subali't sana po ay nailagay ito sa lugar na mas maluwang nang sa ganon ay walang napipinsalang mga kabuhayan at interes ng kapwa natin mga kababayan. Sa aking pananaw ay kung nailagay ito sa bandang paglabas ay mas maganda dahil mas maluwang at walang gaanong mapipinsalang bahay ng may bahay. Tutal, kahit naman saan ito itayo ay pupuntahan at pupuntahan pa rin ng mga tao dahil sa pangangailangan, mas naiwasan sana ang mas masamang epekto ng pagtatayo nito sa buong kabayanan. At sana rin po ay sensitibo ang mga kinauukulan sa purwisyong idinudulot nito sa mga tao at ang epekto nito sa kalinisan sa kanto. Aba'y sa kapal ng alikabok sa kabayanan ay hindi mo gugustuhing lumabas ng bahay at mamili ng kahit na ano dahil kung hindi ay puro alikabok ang lalanghapin mo. Huwag sanang kalilimutan ng mga namumuno na nakinabang na sila nang husto, huwag naman sana nilang pabayaan ang mga tao na syang mapinsala ng dahil rito. Walang magrereklamo kung walang naaapektuhan. Maging sensitibo naman po tayo sa mga hinaing ng ating mga kababayan para sa ganuon ay walang sisihan. Kung hindi ay sana'y kung sino ang kumita ay sya na lamang lumanghap ng lahat ng alikabok.

Tuesday, May 15, 2007

Sakit ng Lipunan

Ano ba ang tunay na sakit ng isang lipunan? Bakit ba ang isang lipunan ay hindi umasenso o nahihirapang matamo ang isang pagbabago? Ang mga tao ay puro reklamo at pagbabago sa mga namumuno ang hinihingi subalit kahit kailan ba'y sila ay nag-isip kung ginawa nila ang kanilang parte ng tama? Kung ikaw ay nagpabayar ng iyong boto, dapat bang umasa kang magkakaroon ka ng maayos na lipunan at hindi corrupt na Mayor? San ba sa tingin mo babawiin ng nahalal ang limpak limpak na salaping kanyang ginastos sa halalan? At bakit ba tayo nagpapauto? Itong save more ay isang income para sa ating bayan subalit bakit ba hindi pa binuksan nuon pang kasagsagan ng mga pangangampanya? Bakit nagpa rally rally pa? Sa tingin nyo ba ay mapipigilan ninyo ang pagbubukas nito? Hindi mga kababayan.... magbubukas at magbubukas ang save more sa Morong. Ang sa akin lamang ay kung bubuksan rin lamang ay bakit ipinagpaliban pa para paikutin at bilugin ang ulo ng mga tao? Pinalalampas lamang po ang eleksyon para isa alang-alang ang mga boto ninyo kaya hindi yan nabuksan kaagar. Sa mga susunor na araw ay asahang nariyan na ang pagbubukas ng Save More, whether you like it or not. Sino ngayon ang nagpauto? May naloloko dahil may nagpapaloko. May naggagamit dahil may nagpapagamit. At kung kayo ay nagbenta ng inyong mga boto, ano ba ang dapat ninyong asahan, malinis o maruming pulitika? Maayos at tapat o corrupt na panunungkulan?

Monday, February 12, 2007

GRABE NA ITO



Talagang grabe na ito. Maraming doktor ang nag react sa streamers na ito. Pagkalaki-laki na ngang Happy Valentine's Day ang galing kay Mr. & Mrs Jun Ynarez ay anu ba't sa isang Medical Mission na kasisimula lamang sa araw na ito ay tumambda sa kanila ang isang streamer na mas malaki pa ang pangalan ni Gov. Ynarez kaysa sa Rotary Club of Morong. Hindi ito ikinatuwa ng marami dahil sa unang- una ay hindi naman raw sponsored ni Gov. Ynarez o ng Sangguniang bayan ng Rizal ang nasabing Medical Mission ay anu ba't higit na mas malaki pa ang kanilang mga pangalan sa mga nag sponsor at maging ng mga taga Ohio. Di ba ito ay pagpapatunay lamang na nasanay na pati ang gumagawa ng mga streamers na talagang sadyaing lakihan ang pangalang Ynarez para matanim sa isip ng mamamayan lalo na't ganitong malapit na ang eleksyon. Okey lamang raw po kung sila talaga ang nag sponsor ng Mission na ito subali't sa nangyari ay sadya raw nakakainis ang karatulang ito.

Sunday, February 11, 2007

Tama po ba naman ito....





Tama po ba naman na ang isang eskwelahan na nakatayo sa national highway ay maglagay ng harang sa karsada kahit na ito ay delikado dahil sa mabibilis na mga sasakyan na rumaran rito? Hindi po ba't mas tama lamang na ang eskwelahan mismo ang magbigay ng espasyo para sa babaan at sakayan ng mga estudyanteng nag-aaral rito para na rin sa kanilang kapakanan at kaligtasan? Hindi po ba't dapat na ginawa ay nailayo ng kaunti ang mga building ng eskwelahang ito sa karsada para sa ganoon ay nakapaglagay sila ng sapat na babaab, sakayan at paradahan ng mga sasakyan na maghahatir at susunro sa mga bata? Kung ang ganito pong bagay ay pinhihintulutan ng ating lokal na pamahalaan na mangyari ay posibleng maulit at pamarisan ng ibang eskwelahan na magsisipagtayo pa o baka naman malakas sa ating punong bayan ang may-ari nito at bakit bukor sa waiting shed ni Ynares ay may waiting shed pang donated ng ating punong bayan..... masyadong nakakapag-isip yata. Ngayon lamang ako nakakita ng paaralan na sa national highway mismo naglagay ng harang at tawiran. Kahit malalaking paaralan ay may parking space sa loob para makapagbaba ng mga mag-aaral at hindi ganitong sa karsada ka maglalagay ng harang at ginawa mong delikado sa mga nagraraang sasakyan lalo na sa mga estudyante rito. Kayo nga ang mag-isip.... ito po ba'y tama o hindi? Sa isang kahabaan ng national highway na mabibilis dapat ang takbo ng mga sasakyan ay maglalagay ka ng ganito... makatwiran ba ito? Pwede kang maglagay ng karatulang may nakalagay na SLOW DOWN:SCHOOL ZONE , pero wala pang gumawa ng ganitong nglagay ng harang sa national highway.

Thursday, December 21, 2006

YNAREZ ARCADE IN MORONG RIZAL





YNAREZ ARCADE in MORONG, RIZAL. Only in the Philippines po iyan. Sa covered gym po natin na nakatayo sa likuran ng bldg. na iyan ay nakalagay : Constructed under the administration of Gov. Casimiro Ynarez. Malinaw po na sa aking pagkakaintindi ay ibig sabihin ay naitayo ang ating covered gym UNDER his administration. Malinaw na under his administration lamang at hindi naman sa kanyang pag-aari ang gym kahit na pagkalaki-laki palagi ng kanyang pangalan sa kahit saang gym ka pumunta. Iyung ibang gym tuloy sa ibang bayan ay ang akala ng ibang tao ay si Gov. mismo ang nagpatayo at kung bigkasin ng mga tao'y " sa gym ni Ynarez" Inakupo... ay kung magkaganuon ay napakaraming gyms na puro Ynarez ang nakalagay. Napakarami ring waiting sheds na letter Y ang poste at Ynarez ang nakalagay. Maski street ay may Ynares na rin. Hindi kaya isang umaga'y magising na lamang kayong Ynarez Province na ang buong Rizal dahil sa nagsusulputang parang kabute na mga Ynarez gyms at waiting sheds? Mabuti ang hangarin.... maganda ang layunin.... subalit lingid sa ating mga kababayan ay DAPAT lamang na ipatayo ang mga ito dahil ito naman ay sa pera at bulsa rin ng mga mamamayan nanggaling. Sampalataya at pagsamba kayo sa pagpapatayo niyan dahil akala ninyo ay may magandang loob na nagpatayo para sa inyong bayan, subali't hindi nila alam ay dapat lamang na ipatayo dahil under his administration lamang naman. Ang pera na ipinatatayo ay sa bayan rin nanggaling. Nagpapasalamat tayo na under his administration ay nakapagpatayo ng mga gyms na iyan, subali't tama bang ipagbalandrahan ng pagkalaki-laki ang apelyido na iyan sapat para akalain ng ibang iyan ay sa kanya at ibinigay niya sa bayan?
Ito naman pong bagong naitayong bldg. na ang nakapamagat ay YNAREZ ARCADE ay isang palaisipan sa akin kung ito pong lupang kinatatayuan nito na sa aking pagkakaalam ay isang government property ay nabili ni Gov. Ynarez sa pamahalaan ng Morong o kusang pinatayuan sa kanya ng bldg na ito. Sa aking opinyon po kasi ay kung ito'y isang pag-aari ng pamahalaan ng Morong ay marapat lamang na pag-aari rin ng bayan ng Morong ang itatayo rito. Aking napag-alaman na ang Bldg. na ito ay magkakaroon ng opisina ng SSS at Philhealth sa itaas kung saan naruon raw ang mga opisina at sa ibaba naman ay mga commercial establishments. Ako lamang ay nalilito kung ito ay pag-aari na talaga ni Gov. Ynarez kung kaya maliwanag ang nakalagay na: YNAREZ ARCADE kaya balitang ang proceeds ng mga paupahan ay sa kanya rin mapupunta o ito ay isang pakikipagkasunduan ng administrasyon ng ating Mayor na dahil si Gov. Ynarez ang magpapatayo ay kapalit naman ay ipangalan sa kanya ito at ang sa ganang share naman ni Gov. para sa Morong ay lagyan ng mga opisina ng SSS at Philhealth sa itaas bilang ganti naman niya sa lupang pag-aari ng Morong na pinatayuan niya. Hmmm... walang masama na mapatayuan ito ng bldg. na siyang maglalagay ng mga opisinang mapapakinabangan ng ating mga kababayan, subalit mas maganda yata kung pamahalaan na lamang ng Morong ang nagpatayo ng bldg na iyan para sa ganuon ay sariling pag-aari ng ating bayan ang bldg at hindi iyong pangalan pa ng taga ibang lugar ang nakasulat sa tuwing ating titingnan ano po. At kung ang lupa mang ito ay hindi nabili ni Gov. sa bayan ng Morong at sadyang pinatayuan lamang niya ng arcade na ito, aba'y tila isang karumaldumal yatang hakbang iyong mailagay na YNAREZ ARCADE ito na lumalabas na pag-aari niya ang bldg na ito sa bayan natin. Wala akong kwestiyon rito kung ito ay isang pribadong lupa na pag-aari ng pribadong mamamayan. Subali't bilang isang lupain na pag-aari ng pamahalaan ng Morong..... ako'y nag-iisip at kung anung kasunduan ang pinasok ng ating Mayor rito.
Ikaw kababayan, ano ang opinyon mo hinggil rito?