Palitan ng kuru-kuro
Mga kababayan ko, ang blog pong ito ay ginawa ko para magkaroon tayo ng palitan ng kuru-kuro, opinyon at mga saloobin hinggil sa isang usapin o isyu na tatalakayin natin. Linggo-linggo po ay maglalagay ako ng isang katanungan, usapin o isyu kung saan lahat po kayo ay malayang magpahayag ng inyong sariling saloobin hinggil rito. Ang bawa't isyu po ay sisimulan ko sa araw ng Linggo at magtatapos tuwing araw naman ng Sabado. Isang linggo po kayong malayang makapagpahayag ng inyong sariling kuru-kuro tungkol rito. Maaaring sagutin ang komentaryo ng iba at magpalitan ng kanya-kanyang saloobin. Huwag po kayong mahihiya. Laging isipin na kung mayroong pumupuna, mayroong nakakapansin. At kung may nakakapansin, kahit paano'y mayroong pagbabagong magaganap. Hindi man nila tayo pansinin, kunsensya na nila iyon. Ang importante ay malaman nila kahit papaano ang ating mga saloobin at maaaring sa paraang ito ay kahit papaano'y tayo'y marinig at maging raan ito sa mga pagbabago.

3 Comments:
....baka pag-uwi namin sa morong ay napalitan na ang pangalan ng bayan kong sinilangan....baka maging ynares rizal na tayo...parang hindi na yata tama ginagawa ni gov hane?kulang ba siya sa publicity para ilagay niya pangalan niya kahit hindi naman nya pera ginamit sa pagpapatayo?
Joey, Siguro nga ay tama ka na kulang siya sa publicity. Alam ko na ma-datung siya kaya lang ayaw gumastos siguro dahil nagtitipir. Siguro rin ay baka kaya nilalagyan ng "Y" ang mga projects niya ay baka gusto lang niyang ipaalam sa masa na kahit papaano ay may nagagawa siya compared roon sa former governors ng Rizal na wala yatang nagawa kahit papaano. Iyong "Y" Arcade sa Morong ang medyo hindi yata maganda dahil if the land ay public property ay dapat lang na ang revenue na kikitain noon ay dapat lang na ang Morong municipality ang makinabang at hindi mga "Y" at ang isa pa ay dapat Morong Arcade ang tatak. Gusto mo ay sunrutin natin si Mayor ng malaman natin ang katas sa anino ng "Y". To all Moronguenians: Alam ko po na ang mga tiga-Morong ay mga bigatins kaya lang ay mahina yata ang mga tuhors na makipag-sunrutan. Kung gusto po ninyo ay ibigay ninyo sa akin ang e-mail niya at sisimulan ko at kung gusto po ninyo ay tatapusin ko na rin para naman magising ang mga mahal nating mga kababayans. Tulungan po natin si S.M. na maibulalas ang nasa kaibuturan ng kanyang puso upang sa ganoon ay magkaroon ng pagbabago sa ating government. What do you think?
mga kabayans..e paano nman magbabago ang sitwasyon natin riyan sa atin e halos lahat ng nanunungkulan riyan mula sa taas hanggang sa baba e wla nman yatang kakayahan tlg. ay dapat yta ay magreport buwanan sa bulwagan sa plaza ang mga naihalal nating opisyales hane. puro porma mga akala mo kung sinong may nagagawa sa bayan. pwe...TAHIMIK as in wlang kulay ang bayan ntin dahil animo patay ang mga nasa munisipyo.mabuti p yung mga nagwawalis sa karsada at may ginagawa. puro yabang ..mga enforcers puro yabang at porma puro nman corrupt at mangongotong. 1 time ay mag-uupload ako ng picture ng pulis at isang traffic enforcer na nangongotong at aktong nag-aabutan ng pinaghatian sa kotong. hindi ako magbabanggit ng pangalan pero pag nkita nyo na ay makikilala nyo ang mga taong ito.
kung gusto nyo makita yung eksena..umaga pa lamang sa sagbat naruon ang mga bobong buwaya 6- 9:30 am lamang dahil pag medyo tanghali na ay umaalis na ang mga makakapal ang mukha.ANG AKALA NILA ay walang nagmamasid sa kanila. tingnan ko lang pag nailathala ko na ang mga pictures at komento.
Post a Comment
<< Home