Palitan ng kuru-kuro
Mga kababayan ko, ang blog pong ito ay ginawa ko para magkaroon tayo ng palitan ng kuru-kuro, opinyon at mga saloobin hinggil sa isang usapin o isyu na tatalakayin natin. Linggo-linggo po ay maglalagay ako ng isang katanungan, usapin o isyu kung saan lahat po kayo ay malayang magpahayag ng inyong sariling saloobin hinggil rito. Ang bawa't isyu po ay sisimulan ko sa araw ng Linggo at magtatapos tuwing araw naman ng Sabado. Isang linggo po kayong malayang makapagpahayag ng inyong sariling kuru-kuro tungkol rito. Maaaring sagutin ang komentaryo ng iba at magpalitan ng kanya-kanyang saloobin. Huwag po kayong mahihiya. Laging isipin na kung mayroong pumupuna, mayroong nakakapansin. At kung may nakakapansin, kahit paano'y mayroong pagbabagong magaganap. Hindi man nila tayo pansinin, kunsensya na nila iyon. Ang importante ay malaman nila kahit papaano ang ating mga saloobin at maaaring sa paraang ito ay kahit papaano'y tayo'y marinig at maging raan ito sa mga pagbabago.
