Thursday, December 21, 2006

YNAREZ ARCADE IN MORONG RIZAL





YNAREZ ARCADE in MORONG, RIZAL. Only in the Philippines po iyan. Sa covered gym po natin na nakatayo sa likuran ng bldg. na iyan ay nakalagay : Constructed under the administration of Gov. Casimiro Ynarez. Malinaw po na sa aking pagkakaintindi ay ibig sabihin ay naitayo ang ating covered gym UNDER his administration. Malinaw na under his administration lamang at hindi naman sa kanyang pag-aari ang gym kahit na pagkalaki-laki palagi ng kanyang pangalan sa kahit saang gym ka pumunta. Iyung ibang gym tuloy sa ibang bayan ay ang akala ng ibang tao ay si Gov. mismo ang nagpatayo at kung bigkasin ng mga tao'y " sa gym ni Ynarez" Inakupo... ay kung magkaganuon ay napakaraming gyms na puro Ynarez ang nakalagay. Napakarami ring waiting sheds na letter Y ang poste at Ynarez ang nakalagay. Maski street ay may Ynares na rin. Hindi kaya isang umaga'y magising na lamang kayong Ynarez Province na ang buong Rizal dahil sa nagsusulputang parang kabute na mga Ynarez gyms at waiting sheds? Mabuti ang hangarin.... maganda ang layunin.... subalit lingid sa ating mga kababayan ay DAPAT lamang na ipatayo ang mga ito dahil ito naman ay sa pera at bulsa rin ng mga mamamayan nanggaling. Sampalataya at pagsamba kayo sa pagpapatayo niyan dahil akala ninyo ay may magandang loob na nagpatayo para sa inyong bayan, subali't hindi nila alam ay dapat lamang na ipatayo dahil under his administration lamang naman. Ang pera na ipinatatayo ay sa bayan rin nanggaling. Nagpapasalamat tayo na under his administration ay nakapagpatayo ng mga gyms na iyan, subali't tama bang ipagbalandrahan ng pagkalaki-laki ang apelyido na iyan sapat para akalain ng ibang iyan ay sa kanya at ibinigay niya sa bayan?
Ito naman pong bagong naitayong bldg. na ang nakapamagat ay YNAREZ ARCADE ay isang palaisipan sa akin kung ito pong lupang kinatatayuan nito na sa aking pagkakaalam ay isang government property ay nabili ni Gov. Ynarez sa pamahalaan ng Morong o kusang pinatayuan sa kanya ng bldg na ito. Sa aking opinyon po kasi ay kung ito'y isang pag-aari ng pamahalaan ng Morong ay marapat lamang na pag-aari rin ng bayan ng Morong ang itatayo rito. Aking napag-alaman na ang Bldg. na ito ay magkakaroon ng opisina ng SSS at Philhealth sa itaas kung saan naruon raw ang mga opisina at sa ibaba naman ay mga commercial establishments. Ako lamang ay nalilito kung ito ay pag-aari na talaga ni Gov. Ynarez kung kaya maliwanag ang nakalagay na: YNAREZ ARCADE kaya balitang ang proceeds ng mga paupahan ay sa kanya rin mapupunta o ito ay isang pakikipagkasunduan ng administrasyon ng ating Mayor na dahil si Gov. Ynarez ang magpapatayo ay kapalit naman ay ipangalan sa kanya ito at ang sa ganang share naman ni Gov. para sa Morong ay lagyan ng mga opisina ng SSS at Philhealth sa itaas bilang ganti naman niya sa lupang pag-aari ng Morong na pinatayuan niya. Hmmm... walang masama na mapatayuan ito ng bldg. na siyang maglalagay ng mga opisinang mapapakinabangan ng ating mga kababayan, subalit mas maganda yata kung pamahalaan na lamang ng Morong ang nagpatayo ng bldg na iyan para sa ganuon ay sariling pag-aari ng ating bayan ang bldg at hindi iyong pangalan pa ng taga ibang lugar ang nakasulat sa tuwing ating titingnan ano po. At kung ang lupa mang ito ay hindi nabili ni Gov. sa bayan ng Morong at sadyang pinatayuan lamang niya ng arcade na ito, aba'y tila isang karumaldumal yatang hakbang iyong mailagay na YNAREZ ARCADE ito na lumalabas na pag-aari niya ang bldg na ito sa bayan natin. Wala akong kwestiyon rito kung ito ay isang pribadong lupa na pag-aari ng pribadong mamamayan. Subali't bilang isang lupain na pag-aari ng pamahalaan ng Morong..... ako'y nag-iisip at kung anung kasunduan ang pinasok ng ating Mayor rito.
Ikaw kababayan, ano ang opinyon mo hinggil rito?