GRABE NA ITO
Talagang grabe na ito. Maraming doktor ang nag react sa streamers na ito. Pagkalaki-laki na ngang Happy Valentine's Day ang galing kay Mr. & Mrs Jun Ynarez ay anu ba't sa isang Medical Mission na kasisimula lamang sa araw na ito ay tumambda sa kanila ang isang streamer na mas malaki pa ang pangalan ni Gov. Ynarez kaysa sa Rotary Club of Morong. Hindi ito ikinatuwa ng marami dahil sa unang- una ay hindi naman raw sponsored ni Gov. Ynarez o ng Sangguniang bayan ng Rizal ang nasabing Medical Mission ay anu ba't higit na mas malaki pa ang kanilang mga pangalan sa mga nag sponsor at maging ng mga taga Ohio. Di ba ito ay pagpapatunay lamang na nasanay na pati ang gumagawa ng mga streamers na talagang sadyaing lakihan ang pangalang Ynarez para matanim sa isip ng mamamayan lalo na't ganitong malapit na ang eleksyon. Okey lamang raw po kung sila talaga ang nag sponsor ng Mission na ito subali't sa nangyari ay sadya raw nakakainis ang karatulang ito.

1 Comments:
ay totoo naman kakapalan n yta ng pagmumukha iyang mga nakikita ntin sa larawan. ang mga buwayang iyan na wla nmang pakialam sa medical mission at wla rin nman khit isang patak na pawis na naiambag ay siya mismong aaktong sila ang naghirap sa nasabing proyekto.
ay sa totoo lamang,,NAKAKASAWA NA yang mga pagmumukha ng mga taong yan simula kapitolyo hanggang sa munisipyo natin. puro porma mga wla nman alam na gawin. SANA NAMAN..bgo ang mga kayabangan ninyo ay paglingkuran nman muna ninyo ang mga mamamayan na siya nmang naglagay sa inyo sa pusisyon kahit na alam nila na wla nman kyong kakayahan tlg. ginagawa ninyong hanapbuhay ang pwesto ninyo.
Post a Comment
<< Home