Tama po ba naman ito....
Tama po ba naman na ang isang eskwelahan na nakatayo sa national highway ay maglagay ng harang sa karsada kahit na ito ay delikado dahil sa mabibilis na mga sasakyan na rumaran rito? Hindi po ba't mas tama lamang na ang eskwelahan mismo ang magbigay ng espasyo para sa babaan at sakayan ng mga estudyanteng nag-aaral rito para na rin sa kanilang kapakanan at kaligtasan? Hindi po ba't dapat na ginawa ay nailayo ng kaunti ang mga building ng eskwelahang ito sa karsada para sa ganoon ay nakapaglagay sila ng sapat na babaab, sakayan at paradahan ng mga sasakyan na maghahatir at susunro sa mga bata? Kung ang ganito pong bagay ay pinhihintulutan ng ating lokal na pamahalaan na mangyari ay posibleng maulit at pamarisan ng ibang eskwelahan na magsisipagtayo pa o baka naman malakas sa ating punong bayan ang may-ari nito at bakit bukor sa waiting shed ni Ynares ay may waiting shed pang donated ng ating punong bayan..... masyadong nakakapag-isip yata. Ngayon lamang ako nakakita ng paaralan na sa national highway mismo naglagay ng harang at tawiran. Kahit malalaking paaralan ay may parking space sa loob para makapagbaba ng mga mag-aaral at hindi ganitong sa karsada ka maglalagay ng harang at ginawa mong delikado sa mga nagraraang sasakyan lalo na sa mga estudyante rito. Kayo nga ang mag-isip.... ito po ba'y tama o hindi? Sa isang kahabaan ng national highway na mabibilis dapat ang takbo ng mga sasakyan ay maglalagay ka ng ganito... makatwiran ba ito? Pwede kang maglagay ng karatulang may nakalagay na SLOW DOWN:SCHOOL ZONE , pero wala pang gumawa ng ganitong nglagay ng harang sa national highway.

1 Comments:
ay sino ba namang napakatalinong tao ang nakaisip na gawin ang bagay na ito?????? highway pagtapos ay slow down. aba ..ano b naman iyan,,checkpoint ng militar??? mga pansariling kapakanan lamang ang iniisip ng mga taong ito. pwe. oo ngat iyan ay pra sa kaligtasan ng mga batang nag-aaral riyan sa inyo, pero kung anong katangahan naman kasi ang pinairal ninyo sa pagtatayo ng inyong school bldg riyan. ay dapt nagbigay kyo ng malawak na espasyo sa harapan at hindi iyung ilang metro na lamang ay karsada na. e paano kung may madisgrasya riyan?? sisisihin ninyo ay yung mga motorista o kya ay mga magulang ng bata??? NA DAPAT SANA AY KAYO ANG MANAGOT dhil nsa inyo ang unang pagkakamali. napakatatalino ninyo OO!!!!
Post a Comment
<< Home