Monday, August 13, 2007

Alikabok sa kanto




Sa mga usap-usapan na aking naririnig, ano ba ang inyong opinyon tungkol sa eksenang ito... sa ganang akin po ay ganito lamang: hindi natin maiiwasan ang patuloy na pag-unlad at mabilis na pagsulong. Ang pagtatayo ng "Save More" ay isa lamang sa mga ito, subali't sana po ay nailagay ito sa lugar na mas maluwang nang sa ganon ay walang napipinsalang mga kabuhayan at interes ng kapwa natin mga kababayan. Sa aking pananaw ay kung nailagay ito sa bandang paglabas ay mas maganda dahil mas maluwang at walang gaanong mapipinsalang bahay ng may bahay. Tutal, kahit naman saan ito itayo ay pupuntahan at pupuntahan pa rin ng mga tao dahil sa pangangailangan, mas naiwasan sana ang mas masamang epekto ng pagtatayo nito sa buong kabayanan. At sana rin po ay sensitibo ang mga kinauukulan sa purwisyong idinudulot nito sa mga tao at ang epekto nito sa kalinisan sa kanto. Aba'y sa kapal ng alikabok sa kabayanan ay hindi mo gugustuhing lumabas ng bahay at mamili ng kahit na ano dahil kung hindi ay puro alikabok ang lalanghapin mo. Huwag sanang kalilimutan ng mga namumuno na nakinabang na sila nang husto, huwag naman sana nilang pabayaan ang mga tao na syang mapinsala ng dahil rito. Walang magrereklamo kung walang naaapektuhan. Maging sensitibo naman po tayo sa mga hinaing ng ating mga kababayan para sa ganuon ay walang sisihan. Kung hindi ay sana'y kung sino ang kumita ay sya na lamang lumanghap ng lahat ng alikabok.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home