Monday, February 12, 2007

GRABE NA ITO



Talagang grabe na ito. Maraming doktor ang nag react sa streamers na ito. Pagkalaki-laki na ngang Happy Valentine's Day ang galing kay Mr. & Mrs Jun Ynarez ay anu ba't sa isang Medical Mission na kasisimula lamang sa araw na ito ay tumambda sa kanila ang isang streamer na mas malaki pa ang pangalan ni Gov. Ynarez kaysa sa Rotary Club of Morong. Hindi ito ikinatuwa ng marami dahil sa unang- una ay hindi naman raw sponsored ni Gov. Ynarez o ng Sangguniang bayan ng Rizal ang nasabing Medical Mission ay anu ba't higit na mas malaki pa ang kanilang mga pangalan sa mga nag sponsor at maging ng mga taga Ohio. Di ba ito ay pagpapatunay lamang na nasanay na pati ang gumagawa ng mga streamers na talagang sadyaing lakihan ang pangalang Ynarez para matanim sa isip ng mamamayan lalo na't ganitong malapit na ang eleksyon. Okey lamang raw po kung sila talaga ang nag sponsor ng Mission na ito subali't sa nangyari ay sadya raw nakakainis ang karatulang ito.

Sunday, February 11, 2007

Tama po ba naman ito....





Tama po ba naman na ang isang eskwelahan na nakatayo sa national highway ay maglagay ng harang sa karsada kahit na ito ay delikado dahil sa mabibilis na mga sasakyan na rumaran rito? Hindi po ba't mas tama lamang na ang eskwelahan mismo ang magbigay ng espasyo para sa babaan at sakayan ng mga estudyanteng nag-aaral rito para na rin sa kanilang kapakanan at kaligtasan? Hindi po ba't dapat na ginawa ay nailayo ng kaunti ang mga building ng eskwelahang ito sa karsada para sa ganoon ay nakapaglagay sila ng sapat na babaab, sakayan at paradahan ng mga sasakyan na maghahatir at susunro sa mga bata? Kung ang ganito pong bagay ay pinhihintulutan ng ating lokal na pamahalaan na mangyari ay posibleng maulit at pamarisan ng ibang eskwelahan na magsisipagtayo pa o baka naman malakas sa ating punong bayan ang may-ari nito at bakit bukor sa waiting shed ni Ynares ay may waiting shed pang donated ng ating punong bayan..... masyadong nakakapag-isip yata. Ngayon lamang ako nakakita ng paaralan na sa national highway mismo naglagay ng harang at tawiran. Kahit malalaking paaralan ay may parking space sa loob para makapagbaba ng mga mag-aaral at hindi ganitong sa karsada ka maglalagay ng harang at ginawa mong delikado sa mga nagraraang sasakyan lalo na sa mga estudyante rito. Kayo nga ang mag-isip.... ito po ba'y tama o hindi? Sa isang kahabaan ng national highway na mabibilis dapat ang takbo ng mga sasakyan ay maglalagay ka ng ganito... makatwiran ba ito? Pwede kang maglagay ng karatulang may nakalagay na SLOW DOWN:SCHOOL ZONE , pero wala pang gumawa ng ganitong nglagay ng harang sa national highway.