Tuesday, May 15, 2007

Sakit ng Lipunan

Ano ba ang tunay na sakit ng isang lipunan? Bakit ba ang isang lipunan ay hindi umasenso o nahihirapang matamo ang isang pagbabago? Ang mga tao ay puro reklamo at pagbabago sa mga namumuno ang hinihingi subalit kahit kailan ba'y sila ay nag-isip kung ginawa nila ang kanilang parte ng tama? Kung ikaw ay nagpabayar ng iyong boto, dapat bang umasa kang magkakaroon ka ng maayos na lipunan at hindi corrupt na Mayor? San ba sa tingin mo babawiin ng nahalal ang limpak limpak na salaping kanyang ginastos sa halalan? At bakit ba tayo nagpapauto? Itong save more ay isang income para sa ating bayan subalit bakit ba hindi pa binuksan nuon pang kasagsagan ng mga pangangampanya? Bakit nagpa rally rally pa? Sa tingin nyo ba ay mapipigilan ninyo ang pagbubukas nito? Hindi mga kababayan.... magbubukas at magbubukas ang save more sa Morong. Ang sa akin lamang ay kung bubuksan rin lamang ay bakit ipinagpaliban pa para paikutin at bilugin ang ulo ng mga tao? Pinalalampas lamang po ang eleksyon para isa alang-alang ang mga boto ninyo kaya hindi yan nabuksan kaagar. Sa mga susunor na araw ay asahang nariyan na ang pagbubukas ng Save More, whether you like it or not. Sino ngayon ang nagpauto? May naloloko dahil may nagpapaloko. May naggagamit dahil may nagpapagamit. At kung kayo ay nagbenta ng inyong mga boto, ano ba ang dapat ninyong asahan, malinis o maruming pulitika? Maayos at tapat o corrupt na panunungkulan?