Wednesday, October 17, 2007

MAYOR





MAYOR, magmula sa ginagawang "Save More" hanggang sa tambak ng basura ay kitang kita na mas inuna mo ang pansarili mong kapakanan bago ang kapakanan ng iyong mga kababayan. Nasaan na ba ang hiya mo at ginawa mo ito sa aming mga kababayan mo? Ayos na sanang ginawa mo iyan para kumita ang bayan pero mukhang mas kumita ka yata ah. Ikaw kaya ang tumira sa malapit sa basurahan kung tumagal ka kahit sampung minuto lamang at kung makakahinga ka pa. Hindi ka ba naaawa sa mga kababayan nating nakatira ruon at hindi mo ba naisip na sa bawat minuto na naruon sila ay hindi sila halos makahinga at malamang sa maaari pa silang magkasakit nang dahil sa baho ng basura? Magmula sa basurahan ay tinatangay ng hangin ang amoy sa buong kabayanan at naatim mo bang ganyan ang naaamoy namin sa araw-araw? Bagkus na maging maganda ang aming pag-uwi sa aming mga tahanan at maging mahimbing ang aming pagtulog ay masangsang na amoy ang aming kasama sa magramag! Maging ang itinatayong "Save More" ay ni hindi mo inisip ang kapakanan ng mga taong nakatira sa palibot nyan para pinsalain mo ng ganuon na lamang. Anung klaseng pamumuno mayruon ka? Pwede mo namang naitayo iyan sa ibang lugar at kahit sa paglabas pa ay talaga namang rarayuhin iyan para pamilihan. Nariyang nagkalat iyan ng sangkaterbang putik at ulanin at arawin ay alikabok naman ang ipinalanghap sa amin pero nariyan ka ba para makialam at proteksyunan kami? Ngayon naman ay nagtatayo ng landfill sa Bombongan at kikita ka na naman riyan samantalang isinasantabi mo ang hinaing ng mga taong malapit sa lugar na iyan. Gusto kong maniwala tuloy na hindi ka naman talaga gustong iboto ng mga tao pero alin sa nabayaran o nagkaroon ng rayaan. Ilang taon ka pang nakaluklok at ilang taon mo pang pepestehin ang aming mga buhay?
Kung mayruon akong natutunan sa aking paglaki ay iyon ang lagi nang isa alang-alang ang kapakanan ng ibang tao. Ang ilagay ang aking sarili sa kanilang katayuan para sa ganuon ay higit kong maintindihan ang kanilang nararamdaman. Maaaring hindi ako sikat na kagaya mo at hindi rin edukadong katulad mo pero alam kong pulsuhan at pakiramdaman ang hinaing ng ibang tao. Sana nang inisip mong tumakbo sa pagka Mayor ay pinag-aralan mo rin iyan para hindi mo na inulit pa ulit ang mga ginawa mo nung simula ka pa lamang na namuno. Ang Morong at mga taong naninirahan rito ay hindi katulad ng mga babaeng pwedeng pagpalit-palitin, pabayaan at muling balikan kung kailan mo gustuhin. Nang ikaw ay magdesisyon na kumandidato ay alam mo kung ano ang pinasok mo kaya may tungkulin ka sa bawa't tao sa Morong at bawa't isa sa amin ay pananagutan mo. Huwag mo naman sana kaming itulad sa mga babae mo na gagamitin mo kung kailan mo kailngan at pagkatapos ay pababayaan na lamang. Huwag mong biguin ang mga taong bumoto at umaasa sa iyo.
Sa karsada pa lamang ay sira ka na sa akin. Napakarami mong mga traffic aides na laging handang manghuli ng mga jeepney drivers na bumabyahe pero sariling mga magtatraysikel na matitigas ang ulo ay hindi mo masuwito. Saksakan sa rami ng magtatrapik pero sa gabi naman ay ni isang magnanakaw ay walang mahuli! Magaling lamang silang magbahay-bahay at mamasko pero para magbantay sa kapakanan ng mga tao ay wala namang pakialam. Tanraan mo sanang bago mo maayos ang anu mang sangay ng iyong pinamumunuan ay kailangang sa iyo magsimula ang pagbabago at hanggat ikaw mismo ay bulok ay hawa rin lamang sila s aiyo na bulok rin.