Tuesday, February 17, 2009

Ang Krismas Tri



Yan po ang krismas tri sa patio nuong Pasko. May mga nakasabit na bilao na depende sa laki ng halaga na nai donate mo, ay depende sa kung gaano kataas ang pangalan mo. Mas mahal, mas mababa at kita ng mga tao ang pangalan mo. Hindi ko aam kung anong idea at ganyan ang ginawa nilang konsepto samantalang pwede nmang mag donate at maglagay ng krismas tri na pwedeng sabitan ng mga bola depende sa donation ay ganuon karami ang bolang pwede mong ilagay o kaya ay color ng bola at hindi iyong parang kailngan pang ilagay ang pangalan para makita ng lahat ng tao. What for? Hindi sa pakikialam, pero tayo, ano ba ang tunay na dahilan kung bakit ang isang tao ay nag do date sa simbahan? Para makatulong, o para malaman ng lahat ng tao na nagbigay ka? Nasaan ba ang tunay na diwa ng pagbibigay ? Nasa hangarin na makatulong, o sa hangarin na makilala at ma recognize na nakatulong ka? Napag-uusapan lamang po.....

1 Comments:

Blogger maniniste said...

ito ay isang konkretong halimbawa ng KAYABANGAN. bkit hindi na nawala sa ilang taga-morong ang magpakilala ng husto sa mga tao upang magkaroon ng lugar at ranggo sa lipunan . pansin ko na ito noon pa,, sasapi sa isang organisasyon hindi upang tumulong kundi ang magkaroon lamang ng katayuan o pagkilala sa kanyang ginagalawang lipunan. pwe ...

kayabangan ang isang ugali ng tga-morong na kinabubwisitan ko.

pwede nmang tumulong at makiisa ng wlang kapalit na ganyan.

ang lagay ba eh pag maliit ang "BIGAY" mo e maliit rin ang pangalan mo. katarantaduhan iyan

ay sa bandang huli ay mahihiya pa yung mga tumulong na may maliit na naiambag ..samantalang nagbigay nman sila

ANG PAGTULONG ay hindi nasusukat sa laki o liit ng ibinigay, gaya nito..imbes na matuwa tyo ay nbwisit pa sa lintek na anyo ng krismas tri na iyan.

hindi pa ba kuntento kyo na gumaan at sumarap ang pkiramdam nyo dahil nakatulong kyo sa kapwa?????

sa susunod nmn...mag-isip nman kyo ng tamang hakbangin. tama nga siguro ang nadidinig kong tsismis na ang pinakamamahal at pinagmamalaki nating simbahang iyan...

ay pinatatakbo ng iilan lamang at kinokontrol ng iilan para sa knilang mga sariling kapakanan..

mahiya kayo dahil hindi sa inyo iyan..tahanan ng DIYOS iyan at hindi breeding ground pra sa mga gustong PUMAPEL sa lipunan!!!

1:05 AM  

Post a Comment

<< Home