Tuesday, February 17, 2009

Istasyon



Ito po ang patio natin at ang mga istasyon ng krus na balak ipalagay ni Fr. Bembol rito. Ito po ay tinututulan ng marami dahil sa aspeto ng usapin sa "preservation" ng mga lumang simbahan na daang taon na, sa budget na sobrang mahal dahil nagkakahalaga ng at least 36 thousand ang isa (considering na ngayon ay krisis sa buong mundo) Ang aking ipinagtataka ay bakit hindi man lamang ito naisangguni ni Fr. sa taong bayan. May nakaalam man ay sila-sila lang rin na nasa simbahan. I blieve na kahit anong bagay kung saan ang buong taong bayan ang concerned, ay kailangang ikonsulta muna sa mga mamamayan bago gawin dahil ito ay bilang pagbibigay ng respeto sa mga mamamayan ng Morong at pagtanaw ng kahalagahan ng bawat isa sa ano mang pang lahatan usapin. Fr., wag po nating ipagwalang bahala ang nararamdaman ng nakararami at ang kanilang opinyon. Napag=uusapan lamang po...http://balitang-morong.blogspot.com/

1 Comments:

Blogger maniniste said...

ubos-pera laang ang mga istasyong iyan kahit alam pa nating magiging daan ito ng pagpapalawig ng ating ispiritwal na relasyon sa ating dakilang Manlilikha.

ay una..mayroon naman tyong mga istasyon sa loob mismo ng simbahan at higit na may value ito sapagkat ito'y halos nakagisnan na nating nakasabit sa pader ng ating simbahan. ayaw ba ninyong pumasok at duoy manalangin ang mga gustong magsimba at makipag-usap sa Diyos???

wlang ka-kuwekwentang proyekto iyang mga naiisipan ninyong iyan. at tumataginting na 30+ libo ng isa?? mahabagin.. MAG-ISIP nman kayo aba!!!

11:27 PM  

Post a Comment

<< Home